CAGAYAN DE ORO CITY – Pinuri ng Asian Network for Free Elections (ANFREL) ang mabilis at masinop na aksyon ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng insidente ng pre-shaded ballots sa Maluso, Basilan.

Ayon kay Brizza Rosales, executive director ng ANFREL, simula pa noong Hulyo ay katuwang nila ang National Democratic Institute (NDI) sa joint technical assessment mission, international election watchdog, kung saan patuloy silang dumadalo sa mga coordination meeting ng Comelec.

Sa exlcusive interview ng BOMBO RADYO CDO, ibinahagi ni Rosales ang kanilang monitoring and observation report mula gabi hanggang madaling araw ng eleksyon noong Setyembre 14.

Kabilang sa kanilang sinuri ang ulat hinggil sa pre-shaded ballots at napatunayang totoo ang insidente sa Maluso.