Tinutulan ni dating Bayan Muna Representative Atty. Kaloi Zarate ang pag-drop sa tatlong artikulo ng impeachment lalo na ang may kaugnayan sa confidential funds.
Nilinaw ng abogado na sa naturang hakbang ng prosekusyon, napagkaitan ang publiko ng pagkakataon na maisama sa imbestigasyon at pagpapanagot ang Pangulo at ang iba pang opisyal na nagkaloob at tumanggap ng naturang pondo.
Bukod dito, nagbabala ang lider na pinalalabas na libre na sa mga akusasyon ang ikalawang pangulo kahit hindi man lamang nakapagprisinta ng depensa.
Dahil dito, ipinahayag ng opisyal na ang isinagawang pag-atras sa kaso ay nagsisilbing proteksyon upang hindi na madamay at mabatak ang pangalan ng Presidente sa naturang anomalya.










