Ipinahayag ni dating Vice Governor at MASADA National Convenor for Education Joey Pelaez ang kanyang hula na mabilis na matatapos ang impeachment at makukulong si Bise Presidente Sara Duterte.
Naniniwala ang opisyal na mabilis lamang na makatuturo at makakukumpirma ng bagong bise presidente ang Kongreso kung hindi manghihimasok ang Korte Suprema.
Bukod dito, nagbabala ang lider na malinaw na magdadala ng malaking kaguluhan sa bansa sa susunod na taon ang isasampang mga kaso mula sa NBI at Ombudsman laban sa Bise Presidente kapag siya ay ma-impeach.
Dahil dito, binatikos ng ekonomista na tila minamadali at sinadya ang proseso upang habulin ang mga nangunguna sa survey para sa halalan sa 2028.










