Iginiit ni Jessica Reyes-Cantos, Co-Convenor ng Social Watch Philippines at Presidente ng Action for Economic Reforms, na hindi sila laban sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap ngunit hiling ng grupo na alisin ang ayuda politics sa 2027 national budget.

Ipinahayag ng grupo na kinakailangang idirekta sa mga tamang ahensya tulad ng PhilHealth at CHED ang pagbibigay ng serbisyo imbes na dumaan pa sa rekomendasyon ng mga politiko.

Binigyang-diin din ng lider na ang kasalukuyang paraan ay nagdudulot ng utang na loob sa mamamayan habang ang pondo ay nagmumula lamang sa mismong buwis ng publiko.

Kaya naman, nanawagan ang naturang samahan sa kalinawan ng paglalaan ng badyet upang hindi ito mapunta sa bulsa ng mga magnanakaw at magamit sa sariling interes sa eleksyon.