Aminado ang National Alliance of Broadcast Unions na nababahala ang pangkat sa cyber libel case na isinampa ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte laban sa ilang miyembro ng GMA Network.
Ipinaliwanag ni Jon Villanueva ng NABU-SENTRO na ang naturang hakbang ay nagdala ng malinaw na chilling effect at takot sa mga peryodista at media outlets na gumagawa lamang ng lehitimong trabaho sa pagbabalita.
Dahil dito, nanawagan ang naturang samahan sa lahat ng nagtataguyod ng malayang pagpapahayag na magkaisa at labanan ang anumang anyo ng pagpapatahimik sa media.











