Ayon sa kontrobersiya sa banta ng pag-aresto kay Senador Bato Dela Rosa, ipinahayag ng DDS Sara All Confederation na walang legal na obligasyon ang gobyerno na i-turnover ito sa ICC.
Ayon sa legal counsel ng grupo na si Atty. Raymond Batu, hindi na sakop ng dayuhang korte ang bansa at ginagamit lamang ang naturang isyu upang pagtakpan ang mas malaking kontrobersiya sa badyet.
Kabilang din sa ibinigay na babala ng abogado na ang pagpumilit sa naturang pag-aresto ay posibleng magdala lamang ng malaking peligro at kaguluhan sa buhay ng mga sibilyan.
Dahil dito, hinimok ng grupo ang pamahalaan na mag-ingat upang hindi masira ang kapayapaan sa bansa.











