Binatikos ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang kawalan ng respeto ng mga kongresista sa saligang batas matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang 2024 at 2025 national budget.

Sa panayam ng Bombo Radyo, ipinaliwanag ni Atty. Ephraim Cortez, Presidente ng NUPL, na ipinamilit ng Kongreso ang pagpataas sa badyet at ang pagbibigay ng ilegal na diskresyon sa Presidente sa mga unprogrammed funds.

Idinagdag ng abogado na pinatunayan lamang ng mga mambabatas na sinadya nilang nagbulag-bulagan sa probisyon ng saligang batas para sa kanilang personal na interes.