TATAAS at aabot sa ₱5 hanggang ₱10 kada kilowatt hour ang presyo ng kuryente sa Mindanao kapag tuluyang maipailalim sa pribadong kompanya ang Agus-Pulangi Hydroelectric Complex.
Nagpahayag ng naturang pag-aaral si Dr. Melchie Ambalong, Chairperson ng Mindanao Power Consumers Federation, matapos buuin ng kanilang Technical Working Group ang mga datos sa inilabas na ₱149 billion na rehabilitation cost at concessionaire’s fee ng San Miguel.
Ipinaliwanag ng opisyal na napakalaki ng naturang pagtaas mula sa kasalukuyang ₱2.80 kada kilowatt hour na singil ng naturang planta, kung saan ipapasa pa rin sa mga konsumidor ang naturang malaking gastusin sa pamamagitan ng pag-apruba ng Energy Regulatory Commission.











