Itinuro ng Geo-Political Analyst na si Lucanus Azrael Igot na ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas sa Pacific area ang pangunahing dahilan kung bakit ikinokonsidera ito ng Estados Unidos para sa proyektong Pax Silica.

Ipinaliwanag ni Igot na kahit magmumula pa sa Korea, Japan, Taiwan, Indonesia, at Malaysia ang ibang raw materials, mas malapit at mas madali itong ipadala dito sa bansa bago ihatid patungo sa ibang lugar.

Idinagdag ng analista na matagal nang gumagawa ang Pilipinas ng mga microchip na ginagamit sa mga cellphone at iba pang modernong gadyet at mayroon din itong mga lokal na suplay para rito.

Ipinahayag ng eksperto na ang lokasyon ng bansa ang pinakamalaking bentahe nito sa pag-akit sa mga naturang proyekto sa teknolohiya.