Sinuportahan ng mga negosyante sa ilalim ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ang proyektong Pax Silica dahil sa tinatayang 40 hanggang 70 bilyong dolyar na puhunan na maaari nitong madala sa bansa.
Ipinahayag ni Oro Chamber of Commerce President Engr. Almarico Brito na sa kabila ng malaking tulong nito sa ekonomiya, nauunawaan ng kanilang sektor ang pangamba ng mga nagprotesta ukol sa epekto ng naturang industriya sa suplay ng tubig at kuryente.
Isinulong ni Brito na kinakailangan ang maagang technical feasibility study upang mahanapan ng solusyon ang pangangailangan sa utilities bago lubos na simulan ang proyekto.
Binigyang-diin ng lider ng mga negosyante na nahihirapan ngayon ang bansa sa pag-akit ng dayuhang puhunan kaya hindi dapat palampasin ang naturang oportunidad habang inaasikaso ang mga posibleng hamon nito.











