Ikinalungkot ng grupong Inday Sara Movement Philippines na hindi nakakuha ng pormal na kasunduan ang Pilipinas upang mapababa ang taripa sa Amerika sa kabila ng pagbisita ni United States President Donald Trump sa ASEAN Summit, hindi tulad ng Thailand na umano’y nakapirma agad ng kasunduan.
Nilinaw ni Inday Sara Movement Convenor Daniel Nobleza na kaduda-duda kung ano ang totoong nakuha ng bansa mula sa bilyon-bilyong pisong ginastos ng gobyerno sa pag-host ng naturang pulong.
Isinulong ni Nobleza na sa gitna ng hirap sa ekonomiya, mahal na bilihin, at mataas na halaga ng dolyar laban sa piso, nararapat na magbigay ng malinaw na paliwanag ang Malacañang kung paano ginastos ang pondo ng taumbayan.
Idinagdag ng convenor ng naturang grupo na bukod sa kawalan ng direktang pakinabang sa komersyo, nakaranas din ng abala ang mga residente sa Metro Manila dahil sa mga paghahanda sa summit.











