Binatikos ng Malacañang na lubhang “premature” at walang paggalang sa tanggapan ng Bise Presidente ang pag-uusap na sa mga posibleng pumalit kay Vice President Sara Duterte habang hindi pa nagbubukas ang impeachment trial sa Senado.
Pinatunayan ni Presidential Communications Office Spokesperson Atty. Claire Castro na kinakailangang pangibabawin ang due process at hayaang gumulong ang wastong legal na proseso.
Ipinanawagan din ng opisyal na hindi dapat magdikta o manguna ang kabilang panig sa magiging takbo ng kaso ng mga senador.
Kaugnay ng pahayag ni Senator Alan Peter Cayetano, ipinaliwanag ng Palasyo na walang sinoman ang may karapatang manguna o magdikta sa magiging desisyon ng Punong Ehekutibo.











