Inihayag ng Malacañang ang mas pinalawig na serbisyo sa kalusugan sa pamamagitan ng Yaman ng Kalusugan o YAKAP Program ng PhilHealth sa ginanap na press conference sa Cagayan de Oro City.

Ipinaliwanag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na sa ilalim ng naturang programa, makikinabang ang mga miyembro sa rehiyon ng libreng konsultasyon sa doktor, laboratory tests, screening sa kanser, at hanggang ₱20,000 na halaga ng libreng gamot bawat taon para sa mga outpatient.

Makakinabang sa naturang benepisyo ang mga kawani ng gobyerno at pribadong sektor, 4Ps beneficiaries, senior citizens, at iba pang batayang sektor ng lipunan.

Dahil dito, hiningi ng opisyal sa mga lokal na pamahalaan at mga barangay sa buong Northern Mindanao na ipagkalat ang naturang impormasyon upang matamasa talaga ito ng taumbayan.