Binatikos ni Masa Sara Duterte Alliance National Convenor for Education Joey Pelaez ang baligtad na paraan ng paglalabas ng pondo ng gobyerno kung saan inuna ang Unprogrammed Funds kaysa sa Programmed Appropriations.

Ipinaliwanag ni Pelaez na itinuturing niya ang naturang pondo bilang isa sa mga pinakatiwaling badyet dahil naiwan ang mga importanteng foreign-assisted projects at obligasyon ng bansa.

Dugtong pa ng opisyal, ang mga Unprogrammed Funds at lump-sum appropriations ay dapat sanang huling prayoridad ngunit ito pa ang unang ginastusan ng gobyerno.

Dahil dito, nanawagan ang lider sa publiko na papanagutin ang mga mambabatas at opisyal na nagpalusot sa naturang paraan na nakasira sa ekonomiya.