Ipinaalala ng CDRRMD Cagayan de Oro sa publiko na magdala ng payong at maghanda sa pagbabago ng panahon sa kanilang pagdalaw sa mga sementeryo ngayong Nobyembre 1 at 2.

Ibinunyag ni CDRRMD Head Nick Jabagat na sa kabila ng init ng araw, malaki ang tsansa na makaranas ng paupud-upod na ulan o localized thunderstorm ang ilang bahagi ng lungsod lalo na sa hapon.

Idinagdag ng opisyal na patuloy na ipino-post sa pormal na social media page ng lungsod ang forecast mula sa DOST-PAGASA upang matulungan ang mga pamilya sa kanilang pagpapaplano.

Patuloy ngayong nagpapaalala ang ahensya sa buong komunidad na maging masigasig at mag-ingat sa kalusugan habang dumadalaw sa mga yumaong mahal sa buhay.