Inaasam ng Camiguin Police Provincial Office ang zero-crime record sa buong lalawigan sa isinasagawang seguridad para sa Ligtas Undas 2026.

Ibinunyag ni Camiguin PPO Public Information Officer Col. Asiong na gagabayan ng tanggapan ang lahat ng pwersa ng seguridad upang matiyak na walang kahit anong seryosong insidente ng krimen ang makalilusot sa gitna ng pagdagsa ng libo-libong tao sa isla at sa mga sementeryo.

Ipinaliwanag ng tagapagsalita na magpapatuloy ang visible policing sa sampung pampubliko at apat na pribadong sementeryo habang mayroon pang mga taong nananatili sa mga naturang lugar.

Kaya naman, ipinaalala ng tanggapan sa publiko na iwasan ang pagpapasok ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng sugal at inuming nakalalasing upang hindi madakip ng mga nagpapatrolyang pulis.