Ibinunyag ng People’s Budget Coalition ang pangunahing red flag sa mga insertion sa Kongreso kung saan ang pondo sa farm-to-market road para sa 2027 ay tumuturo sa mga coordinates sa gitna ng dagat.
Ibinunyag ni National Coordinator Mary Abigail Modales na sa kanilang pagsusuri sa inirekomendang badyet at bersyon ng Kamara, may proyektong sa Nueva Ecija na ang coordinates ay nasa Benham Rise habang ang proyekto sa Cebu ay matatagpuan malapit sa Brunei.
Dugtong pa ng opisyal, bahagi lamang ito ng mga kaduda-dudang pagbabago sa pondo na ipinalusot ng mga mambabatas sa pamamagitan ng pagpalit sa mga orihinal na alituntunin ng gobyerno.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa publiko at sa Korte Suprema na tiyaking pawiin ang unbridled discretion sa unprogrammed fund upang hindi na maulit ang naturang iregularidad.











