Naghahanda na sa susunod na aksyon ang People’s Budget Coalition matapos mabuking ang mga kaduda-dudang pondo sa 2027 budget.
Ibinunyag ni National Coordinator Mary Abigail Modales na naghahangad ang grupo na papasukin ang civil society sa ipinaglalabang Bicameral Conference at hindi lamang umaasa sa livestream na pinapatay-patay ng mga mambabatas.
Dugtong pa ng opisyal, mas malaki ang pag-asa sa Senado dahil mas bukas ito na makinig sa pagsusuri at pagbasura sa mga kwestyonableng insertion sa Kamara.
Dahil dito, nanawagan ang grupo na kung may makalusot pa ring kontrobersyal na pondo, nararapat itong idirekta sa veto ng Presidente upang maprotektahan ang kaban ng bansa.











