Nawala ang check and balance at naghari ang tyranny of the majority sa pag-oorganisa ng BARMM Parliament matapos ang kanilang session noong Oktubre 30.

Ito ang ibinunyag ni Datu Tokz Bin Abdurrahman ng Save Bangsamoro Movement kung saan ipinahayag nito ang pangamba dahil sa pag-imbargo sa lahat ng pangunahing komite at ang hindi pagbibigay ng espasyo sa oposisyon at sectoral representatives tulad ng kabataan at kababaihan.

Ipinaliwanag ni Abdurrahman na kung walang matibay na oposisyon at puro na lamang “yes sir” ang mangyayari sa loob ng kapulungan, tiyak na masisira ang kontrol at walang magbabantay sa mga batas na ipapasa para sa mamamayan ng BARMM.