Mabilis na nabigyan ng medikal na tulong ang ilang bisita na nakaranas ng suliranin sa kalusugan sa loob ng City Memorial Park sa natapos na Undas.

Ipinahayag ni City Information Officer Jade Adeser na nakatala sila ng apat hanggang limang kaso ng pagtaas ng blood pressure at pagsakit ng ulo, bukod sa ilang minor na sugat sa paa.

Nilinaw ng opisyal na mabilis na nakatugon ang tatlong first aid stations sa loob ng sementeryo upang mabigyan agad ng paunang gamot ang mga apektadong bisita.

Matapos maalagaan sa health desk, inasikaso rin sila sa libreng sakay ng barangay upang matiyak ang kanilang ligtas na pag-uwi.