Umakyat ng mahigit limang libo ang dumagsang bisita sa City Memorial Park ngayong Undas kumpara noong nakaraang taon, ngunit nanatiling walang naitalang kaguluhan sa loob ng sementeryo.

Ibinunyag ni City Information Officer Jade Adeser na umabot sa 19-libo ang headcount noong Nobyembre 1 mula sa 15-libo noong 2025, habang lumagpas sa 31-libo noong Nobyembre 2.

Sa kabila ng pag-ulan, inilarawan ng tanggapan na naging “come-and-go” at “free-flowing” lamang ang daloy ng mga tao dahil sa libreng sakay na serbisyo ni Mayor Klarex Uy.

Nakatulong umano ang naturang maayos na sitwasyon upang makapagsagawa ng payapang pagdarasal at reunion ang mga pamilya sa loob ng sementeryo.