Isang diversionary tactic lamang o paraan upang pagtakpan ang pangunahing kontrobersya sa pambansang budget ang isinasagawang panggigipit at paglalagay ng Limampung Milyong Piso (P50M) na bounty laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang ibinunyag ni Atty. Raymond Batu, legal counsel ng DDS Sara All Confederation sa kanyang pakikipag-usap sa Bombo Radyo.

Naniniwala ang abogado na sinadya ang naturang aksyon upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kontrobersyal na General Appropriations Act (GAA) at sa ipinutok na suhol at pondo sa flood control.

Ipinaliwanag ni Atty. Batu na kabilang sa pinagtatakpan ay ang mahigit 1.017-trillion pesos na isiningit na pondo para sa 2027 proposed budget at ang pagpapadami ng pondo sa ayuda tulad ng AKAP at MAIF para sa pampolitikang layunin.