Malayo sa katotohanan at insulto sa taumbayang nagdurusa sa kahirapan ang inilabas na poverty threshold ng gobyerno.
Ito ang tinutulan ni dating Misamis Oriental Vice Governor at Ekonomistang si Joey Pelaez lalo na ang ₱96 na itinatakdang gastusin bawat araw ng isang tao upang hindi maitala bilang mahirap.
Ayon sa ipinahayag ni Pelaez sa Bombo Radyo, tila nagtutulungan ang NEDA at PSA sa paggawa ng datos na malayo sa katotohanan.
Ipinaliwanag ng ekonomista na ipinagpilitan lamang diktahan ang naturang halaga sa gitna ng mataas na inflation na umabot sa 9 porsyento para sa mga mahihirap na pamilya.









