Nagbabala ang Roads and Traffic Administration na hindi babayaran ng insurance ang mga pasahero kung maaksidente ang mga motorela na namamasada sa mga national highway.
Ibinunyag ni RTA Administration Manager Doy Ramiro na awtomatikong mababaliwala ang insurance dahil sa pagbiyahe sa kalsadang ipinagbabawal sa naturang sasakyan.
Dugtong pa ng opisyal, kakaharapin ng mga drayber ang mabigat na obligasyon at malaking bayarin kung makasisira ng ari-arian o makasusugat ng pasahero.
Kaya naman hiningi ni Ramiro sa mga drayber na sundin talaga ang ordinansa upang maiwasan ang kaguluhan at matiyak ang kaligtasan ng lahat.









