Paborableng tinanggap ng barangay Lapasan ang desisyon ng Korte Suprema na iantala ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections patungong taong 2028.

Ibinunyag ni Kapitan Julito Ogsimer na bentaha ito upang hindi mabalam at hindi bumaba ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng barangay.

Ipinaliwanag ng opisyal na imbes na magpokus sa politika at sa eleksyon, mas matututuunan na ngayon ang pagpapatupad ng mga proyekto laban sa iba’t ibang krisis.

Hiningi rin ng punong barangay sa mga kasamahan sa lokal na pamunuan na huwag magkampante at patuloy na ingatan ang kapakanan ng komunidad.