Pinondohan na ng barangay Lapasan ang mga paghahanda laban sa banta ng Super El Niño sa pamamagitan ng inihiling na Annual Investment Plan ng barangay.
Nagpahayag si Kapitan Julito Ogsimer na kabahagi ng malaking tungkulin ng barangay ang paglalaan ng pondo para sa pag-aasikaso sa mga residenteng maaapektuhan ng tagtuyot.
Nagbabala ang kapitan na kinakailangang laging handa ang barangay upang makatugon agad sa mga pangangailangan at problema ng sakop nito.
Kaya naman iginiit ni punong barangay Ogsimer na kinakailangang ipagpatuloy ang pagbibigay ng direktang serbisyo upang magawa ng pamunuan ang responsibilidad nito sa komunidad.










