Hiningi ng lungsod ng Cagayan de Oro sa mga opisyal ng barangay na sundin ang pagtitipid at iwasan ang grandious na Christmas party alinsunod sa paghahanda sa Super El Niño.
Nagbabala si Acting City Information Officer Jade Adeser na walang pondo ng gobyerno na ilalabas para sa mga kasayahan upang makapag-ipon ang lungsod laban sa krisis.
Sa City Hall, pinahintulutan lamang ang bawat departamento na magsagawa ng simpleng Christmas party kung saan pwedeng mag-ambagan na lamang ang mga empleyado para sa kanilang ihahanda.
Plano rin na ipamahi na lamang sa bawat opisina ang mga maliliit na raffle prizes sa inihandang petsa sa Disyembre 18.









