Humingi ngayon ng totoong aksyon mula sa gobyerno ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY para sa pagpapababa ng presyo ng mga batayang bilihin at bayarin sa bansa.
Nagpahayag ang Secretary General ng grupo na si Mimi Doringo sa nakaraang pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng pangkat na kabilang sa kanilang ipinanawagan ang paglalaan ng gobyerno ng sapat na pondo para sa mga batayang serbisyo sa taumbayan.
Idinagdag pa ni Doringo na nararapat pakinggan ang boses ng mga mahihirap sa pagbuo ng mga paraang makapagpapagaan sa hirap ng kabuhayan.
Kaya naman nanawagan ang pamunuan ng pangkat sa lahat ng maralita na magkaisa sa pagpapahayag ng kanilang mga reklamo upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap.











