Nakatutok ngayon ang mga legal expert sa gawi at mga desisyon ng bagong Chief Justice ng Korte Suprema na si Rodil Zalameda ukol sa mga kontrobersyal na kaso sa bansa.

Sinabi ng abogado at Law Professor na si Atty. Samson Tan na masusubok ang kalayaan ng pinakamataas na kapunungan sa pagresolba sa pending na isyu ukol sa threshold voting sa Senate impeachment trial ng Bise Presidente.

Dugtong ng abogado na kinakailangang hindi matakot ang Korte Suprema sa mga hakbang ng executive at legislative branch upang maprotektahan ang konstitusyon.

Kaya naman ipinaalala ni Tan na nag-aabang ang taumbayan sa itataguyod na desisyon ng Korte Suprema upang mangibabaw ang tapat na katarungan.