Ikinabahala ng grupo ng mga kabataan ang malaking posibilidad na makontamina ang suplay ng tubig kung maitatayo na ang proyektong Pax Silica dito sa bansa.
Ibinunyag ni Youth Against Pax Silica Coordinator Heroine Marish Fernandez na ang operasyon sa pagpoproseso ng mga makina sa naturang artificial intelligence hub ay magpaparumi sa tubig at lupa sa mga karatig-lugar.
Itinuro ni Fernandez ang mga kahalintulad na proyekto sa ibang bansa kung saan naging malabo at tila putik na ang tubig dahil sa operasyon ng mga data center.
Ipinaliwanag ng grupo na hindi lamang mga residente sa paligid ng Tarlac ang maaapektuhan sa naturang pinsala sa kalikasan kundi kabilang na ang buong Pilipinas.











