Nahirapan sa pagtindig ang depensang loose investment ng testigong si Atty. Suzette Balucanag Punay sa harap ng mga dokumentong pinagdugtong-dugtong ng testigo ng prosekusyon na si Atty. Alexander Cabrera.
Ito ang pagsusuri ni dating Cagayan de Oro City Mayor at abogado na si Atty. Oscar Moreno kung saan ipinahayag nito na walang kahalintulad na termino sa batas ang loose investment at nabigo si Punay na ipaliwanag kung paano inayos ang naturang kapital.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Moreno na hindi nagdala ng bagong akusasyon si Cabrera kundi pinagdugtong lamang nito tulad ng isang puzzle ang mga rekord mula sa bank deposits, Anti-Money Laundering Council, insurance products, at Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.
Dugtong ng dating alkalde na kahit bukas pa ang depensa sa pagsagot sa mga naturang punto, mas mabigat at dokumentado ang mga ebidensyang iprinisinta ng prosekusyon.











