Nanawagan si Cagayan de Oro Chamber of Commerce and Industry Foundation President Engr. Almarico Brito sa gobyerno at sa business sector na magsagawa agad ng agarang diyalogo upang labanan ang stagflation na hindi tinatanggap sa komunidad ng negosyo.

Binigyang-diin ni Brito na delikado ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya kung saan nananatiling mabagal ang pag-unlad ng negosyo at hindi tumaas ang suweldo ng mga manggagawa habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nilinaw ng opisyal ng Oro Chamber na hindi pagpipilian ng sektor ng negosyo ang pagsuko at nagpadala na ang Mindanao Chambers ng position papers sa pambansang organisasyon upang hilingin sa mga economic managers na humanap ng solusyon.

Nilinaw ni Brito na kinakailangan ang agarang pagkakaisa ng mga mambabatas at pribadong sektor bago matapos ang taon upang hindi na lumala pa ang epekto nito sa ekonomiya.