Iniulat ni Bombo Senior International News Correspondent Bombo Dolly Ilogon mula sa New York City na itinuring ni United States President Donald Trump na matagumpay ang trilateral meeting sa China kasama sina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.
Ibinunyag ni Ilogon na ikinatuwa ni Trump ang pag-upo sa tabi ng dalawang lider at ipinagmalaki ng Presidente ng Amerika na silang tatlo ang pinakamalalaking nuclear powers sa mundo na magtutulungan para sa ligtas na kinabukasan.
Idinagdag ng Bombo correspondent na idineklara ng tatlong lider ang kanilang mga sarili bilang mga steward umano ng kapayapaan sa buong mundo.
Ngunit binigyang-diin ni Ilogon na dapat pang bantayan kung totoong kapayapaan ang mangyayari dahil matagal nang naghahangad ang China at Russia na tapusin ang pagdomina ng Estados Unidos sa mundo.











