Ipinagbigay-alam ni City Councilor Roger Abaday na nasa City Legal Office na ngayon para sa pagrebyu ang panukalang ordinansa na magtatakda ng mabigat na parusa laban sa mga motorista at tindahang nagbebenta ng maingay o improvised na tambutso.

Binigyang-diin ni Abaday na sa ilalim ng naturang panukalang batas, pagmumultahin ng 1,500 piso sa unang paglabag, 2,500 piso sa ikalawa, at pagkumpiska sa motorsiklo o pagkansela sa lisensya sa ikatlong paglabag.

Idinagdag ng konsehal na sususpindihin din ang business permit at maaaring ipasara matapos ang tatlong sunod-sunod na paglabag ang sinumang tindahan na mahuhuling nagbebenta ng open pipe.

Nilinaw ni Abaday na magsasagawa ng imbentaryo sa mga nakabinbing ordinansa bago matapos ang taon upang maipatupad na ito sa lungsod.