Nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyang panahon ang pakikipaglaban ng Ama ng Rebolusyong Pilipino na si Andres Bonifacio habang hindi pa napakikinabangan ng taumbayan ang mga rekurso at mga batas na pabor sana sa mga Pilipino.
Iginiit ni KADAMAY Secretary-General Mimi Doringo na hindi pa masasabing nakamit na ng taumbayan ang totoong kapakanan habang nananatili ang mga problema sa sistema ng bansa.
Dugtong pa rito na hangga’t hindi para sa mga Pilipino ang mga rekurso at naglilingkod pa sa interes ng dayuhan ang mga batas ng bansa ay hindi hihinto ang kanilang pagkilos.
Ayon pa sa opisyal ng KADAMAY na ang paggunita sa araw ni Bonifacio ay nangangahulugan ng pagpapatuloy sa layunin ng mga nakipaglaban para sa karapatan ng mga Pilipino.











