CAGAYAN DE ORO CITY-Umapela si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na huwag nang palakihin ang hindi pagkakaunawaan ng mga matataas na opisyal sa Northern Mindanao Medical Center o NMMC.

Itoy matapos mangamba ang alkalde na maapektuhan ang mga trabaho sa NMMC na siyang pangunahing ospital sa rehiyon na gumagamot sa mga pasyenteng tinamaan na COVID-19.

Hinikayat ng naturang opisyal na panatilihin ang pagiging propesyonal ng mga empleyado sa nasabing ospital at resolbahin ang alitan ng bawat kampo.