CAGAYAN DE ORO CITY -Mariing iginiit ni Atty. Dexter Precioso na dapat lahat ng miyembro ng Senado ay makibahagi sa pagboto upang maging makatarungan ang proseso ng impeachment.
Sa panayam sa BOMBO Radyo, sinabi niyang hindi tama na magdesisyon ang isang huwes na hindi nakadalo o nakinig sa mga argumento.
Ayon kay Precioso, kung susundin ang estriktong pagbasa ng batas, kinakailangan ang partisipasyon ng lahat ng senador.
Ngunit binigyang-diin niya na hindi makatarungan ang pagboto nang walang sapat na pakikinig at interpellation.
Ang isyu ay nagdadala ng tanong sa “fairness” at integridad ng hustisya. Dagdag pa niya, dapat malinaw na masagot ang legal na usapin upang maiwasan ang pagdududa sa proseso.











