CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi naging balakid ang pandemya na dulot ng COVID-19 sa mga taga Cagayan de Oro para makamit ang record breaking na may pinakaraming nagpakuha ng dugo ngayong araw.

Itoy matapos umabot sa 92 na mga successful blood donors sa Brgy 24 covered court kung saan nalampasan nito ang 90 sa Brgy Carmen sa lungsod.

Sa ika-limang Dugong Bombo New Normal na inilunsad dito sa lungsod ay umabot na sa kabuuang 372 katao ang matagumpay na nakapag-donate ng kanilang dugo.

Mayroon din iilan sa mga donors ang piniling lumiban sa kanilang trabaho para lamang makapag pakuha ng dugo.

Kita naman sa mukha ng mga bagong bayani ang kanilang tuwa ng matanggap ang kanilang Dugong Bombo t-shirt.