CAGAYAN DE ORO CITY-Pinaulanan ng bala ang isang bahay sa Barangay Siloo, Malitbog, Bukidnon na nagresulta sa pagkamatay ng isang menor de edad.

Kinilala ang biktima na si Junrel Indanon, 15, grade 6 pupil na residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Malitbog Municipal Police Station Commander Capt. Jaemar Paguidopon na patuloy pa nilang iniimbestigahan ang insidente dahil walang nakakita sa pangyayari.

Aniya, hindi din nila inalis ang posibilidad na kagagawan ito ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) dahil sa presensya ng mga armado sa lugar.