CAGAYAN DE ORO CITY-Nagkagirian ngayon ang dalawang matataas na opisyal ng Cagayan de Oro at Misamis Oriental hinggil sa mga pamamaraan nito sa paglaban sa coronavirus pandemic.

Hindi nagustuhan ni City Mayor Oscar Moreno ang mga hakbang ni Provincial Gov Bambi Emano sa paghihigpit sa health security protocols.

Ayon kay Moreno dagdag perwesyo lamang sa mga tao ang pagpapakuha ni Emano ng travel pass bago makapunta sa distinasyon sa lalawigan.

Sagot naman ni Gov. Emano na nainggit lamang ang Mayor sa kanilang ginawa at hindi umano dapat ito makialam sa kanilang mga hakbang.

Dagdag pa ng gobernador na ginamit lamang ni Mayor Moreno ang pandemic para sa interes nito sa politika.

Kapwa nasa huling termino na ang dalawa sa kanilang katungkulan at una ng nakikipag-coordinate ang alkalde sa gobernador para sana sa isang unified community quarantine upang labanan ang virus sa lungsod at lalawigan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyari dito.