CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ni Col. Louie G. Dema-ala, tagapagsalita ng Philippine Army, na ang pagkakategorya ng COMELEC at PNP sa mga lugar ay batay sa antas ng presensya at bantay sa seguridad.
Kabilang sa mga binabantayang lugar ang Lanao del Sur, Sharif Aguak, at Maguindanao del Sur.
Ang mga ito ay nakapaloob sa color-coded system—green, yellow, at red—para mas madaling mamonitor ang sitwasyon.
Bagaman hindi inaasahan ang kaguluhan, handa ang security forces sa anumang posibleng pangyayari.
Patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan at pagbabantay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa buong rehiyon.











