CAGAYAN DE ORO CITY-Ipinagpaliwanag ng Department of Social Welfare and Development o DSWD si Deputy Speaker at 2nd District Representative Rufus Rodriguez dahil sa paglagay ng kanyang pangalan sa family food packs ng ahensiya na ibinibigay sa mga tao na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.

Sinabi ni Manuel Joseph Aguja, PIO ng DSWD-10 na walang sinumang poliko o individual ang pinapayagang maglagay ng kanyang pangalan sa ibinibigay na ayuda ng ahensiya sa mga tao dahil mahigpit itong ipinagbabawal sa saligang batas.

Depensa naman ni Cong. Rodriguez, wala siyang pahintulot sa ginawa ng kanyang mga staff na paglalagay ng kanyang pangalan kaya ng malaman ay agad niya itong ipinahinto.

Siniguro naman ni Rodriguez na nakahanda siyang sagutin ang DSWD dahil alam naman niyang bawal ang ginawa ng kanyang mga tauhan.