CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ng mga eksperto na hindi awtomatikong katumbas ng 16 boto ang 2/3 threshold sa Senado.
Sa panayam kay Dr. Ederson Tapia ng TEAM PINAS, ipinaliwanag na mananatili sa denominator ang mga senador maliban na lang kung sila ay magbitiw, mamatay, o tuluyang mawala sa tungkulin.
Dagdag pa ni Justice Adolf Azcuna, hindi dapat basta ibawas ang mga senador na nakakulong o pansamantalang hindi makadalo.
Ibig sabihin, kabilang pa rin sa bilang sina Senators Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, at Bato dela Rosa.
Ang paliwanag ay nagbigay-linaw sa matagal nang kontrobersya sa pagbibilang ng boto. Gayunman, nananatiling hamon ang tamang interpretasyon ng batas sa impeachment trial.











