CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala si Deputy House Speaker Rep. Janette Garin laban sa mga detractors at social media vloggers na minamaliit ang papel ng mga mambabatas.

Sa panayam ng BOMBO Radyo, iginiit niyang mahalaga ang kanilang tungkulin sa paghahatid ng katotohanan sa pamamagitan ng impeachment hearings.

Paliwanag niya, ang pamamahala ay hindi nakabatay sa kagustuhan ng isang tao kundi sa gabay ng batas at konstitusyon.

Bahagi ng kanilang trabaho ang pagsusuri kung tama ang paggamit ng pondo sa mga proyekto gaya ng flood control.

Dagdag pa ni Garin, kung may ghost projects o anomalya, dapat itong sagutin ng mga opisyal ng gobyerno, kabilang si Vice President Sara Duterte na iniimbestigahan kaugnay sa confidential funds at hindi maipaliwanag na paglago ng kanyang mga ari-arian.