CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang isang ginang matapos tinaga ng kanyang sariling kapatid sa Purok 3, Labuay, Maigo Lanao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Evilyn Dela Peña Dollier, 46, hiwalay sa asawa habang ang suspek naman ay si Nolly Bakod Dela Peña, 60, walang trabaho parehong residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Maigo Municipal Police Station Commander Lt. Baltazar Deguilmo na gamit ang karit, tinaga ng suspek ang kanyang kapatid sa leeg at hindi pa nakonte sinaksak pa ng kutsilyo kung kayat tuluyang binawian ng buhay ang biktima.

Aniya, sinusumbatan ng biktima ang kanyang kuya ukol sa pagkain kayat napikon at nagawa ang krimen.

Agad namang nahuli ng mga otoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong parricide.