CAGAYAN DE ORO CITY -Inakusahan ng CAFITADA na ilegal at colorum ang operasyon ng Green GSM Taxi sa Cagayan de Oro.
Ayon kay Bernie Jamaca, provisional authority lamang ang hawak ng mga sasakyan at wala pang CPC.
Ipinaliwanag niyang pinayagan lamang ng LTFRB ang dry run gamit ang mobile app.
Dahil dito, naghain ng petisyon ang CAFITADA upang ipatigil ang operasyon.
Nanawagan sila ng hustisya laban sa dayuhang kumpanya.










