CAGAYAN DE ORO CITY – Hinimok ni dating ARMM Assemblywoman Samira Gutoc ang mga mamamayan ng Bangsamoro Region na wakasan na ang mga rido o alitan sa pamilya at politika matapos ang eleksyon upang hindi na maulit ang trahedyang tulad ng 2017 Marawi Siege.

Sa exclusive interview ng BOMBO RADYO, binigyang-diin ng dating senador na puro giyera at kahirapan lamang ang idinulot ng mga hidwaan na kumitil ng maraming buhay sa Mindanao mula pa dekada ’70 (setenta).