CAGAYAN DE ORO CITY – Nanindigan si Youth Rage Against Corruption National Convenor Joaquin Buenaflor na hindi sapat na si dating Speaker Martin Romualdez lamang ang papanagutin, kundi dapat ding managot ang lahat ng sangkot sa anomalya sa flood control at pondo ng gobyerno.
Sa panayam ng BOMBO RADYO CDO, iginiit niyang dapat kasuhan ang mga kontraktor at kongresista na lumagda sa batas ng pondo na may tinagong katiwalian.
Binanggit ng grupo na hindi sila makukuntento sa pagbibitiw ng ilang opisyal habang nananatiling tahimik ang mga malalaking isda na umanoy nakabenepisyon na sa bilyon-bilyong pisong nawala sa kaban ng bayan.











