CAGAYAN DE ORO CITY-Nahaharap sa kasong 5 counts statutory rape ang 54-anyos na lalaki matapos akusahang namolistiya sa limang menor de edad sa Purol La Purisima, Bara-as, Barangay Tubod, Iligan City.

Kinilala ni Iligan City Police Station 4 commander Maj Abogado Mautin Jr ang suspek na si Eric Castillon, may asawa at residente sa naturang lugar.

Napag alamang lasing ang suspek ng ipinasok ang kanyang kamay sa masilang bahagi sa katawan ng mga biktimang babae na may edad 3 hanggang 7 taong gulang.

Binigyan umano ng suspek ang mga biktima ng tig P20 bawat isa upang magawa ang krimen kung kayat hinuli ng mga pulis.