CAGAYAN DE ORO CITY – Binatikos ni Atty. Angel Lim ang umano’y pabagu-bagong posisyon ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. hinggil sa 2/3 votes threshold sa impeachment court.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lim na malinaw na iniwan ni Davide ang kanyang dating paninindigan noong siya ang presiding judge sa impeachment case ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Tinawag niyang katawa-tawa ang inilabas na memorandum synopsis ng dating mahistrado dahil tila ginawa nitong 50/50 ang threshold.
Dahil sa posisyong ito, lalong nalito ang impeachment court at nagulo ang isipan ng mga senator-judges, kabilang ang prosekusyon at depensa.
Nabatid na kahapon, apat na amici curiae ang nagbigay ng kanilang argumento kaugnay sa tamang pagbasa ng 2/3 votes threshold sa kasong kinahaharap ni Vice President Sara Duterte.











